akosichai:)
  

Minsan try mo namang wag sanayin sila na lagi kang nandyan lalo na sa mga panahong pakiramdam mo ay nababalewala ka na. Kasi bukod sa nasasanay ka na, sila din nasasanay na ikaw na lang lagi hanggang sa nakakalimutan na nila yung part nila.

During my Ate Dona’s Wedding

Eto na yata yung una at huling kasal sa catholic church(dahil hindi ako catholic) na inaattendan ko na di ko alam yung gagawin ko kasi first time kong maging maid of honor at walang praktis praktis HAHAHA. Tapos nagpamake up pa ko sa kung sino mang nahagilap nila dun sa halagang P150 na parang wala namang nangyari sa mukha ko :D Tapos yung partner ko este yung Best Man feeling pogi,di man lang ako tinulungan sa pag guide dun sa ikakasal at paalis-alis pa echosera naman ang fes. Kainis >__<

Grabe ako lang yata yung pinakamatangkad :)

Si Ateng katabi ko, balak pa yatang takpan ang feslah ko sa picture na ito.

AHHHHHHHH, feslah naman pala nya yung tatakpan nya. Gets HAHAHAHA :D

TOTOO at TUNAY

Sa mundo ngayon(lakas makamundo oh :D), mahirap humanap ng TOTOO o TUNAY na kaibigan.

  • Yung hindi ka iiwan kahit anu pang mangyari o nagawa mo sa kanya
  • Yung makakaunawa sa nagawa mong pagkakamali
  • Yung patuloy ka pa ding tatanggapin.
  • Yung kahit naging matagal kayong di nagkausap o nagksama pero pag nagkita naman kayo eh bawing bawi o walang ilangan o hiya factor

Wow ha. Parang perfect friend naman yata tong dinesdescribe eh nobody’s perfect nga pala.Yang mga yan. Listahan lang yan. Hindi yan ang reality.Hindi naman lahat yan ay dapat mapunta sa kaibigan mo masabi mo lang na totoo o tunay siya. Minsan pa nga kung sino pa yung nakasamaan mo ng loob o hindi kasundo dati eh siya pa yung kasangga o kasama mo ngayon o di naman kaya sila pa yung nagpapatunay sayo ng tunay na pagkakaibigan.Kasi ang friendship, 

  • pwedeng ipagkaloob sa lahat
  • madaling makuha
  • madali ding mawala

“come and go” ika nga.Pero ang TRUE FRIENDSHIP yang ang hindi lahat ay napagkakalooban, hindi lahat nakakanahanap ng ganyan. Kasi may mga tao na nandyan lang sa masasayang sitwasyon sa buhay mo pero kapag dumating yung time na manghina ka na at kailangan mo ng masasandalan baka yung mga matawag mo MGA KAIBIGAN ay hindi mo na mahagilap. At ang mga taong tutulong o masasandalan mo  eh bilang na bilang lang sa mga sampu o di naman kayang limang daliri mo sa kamay. Kaya kapag dumating yung panahon na marealize mo kung sino yung mga matatawag mong TUNAY NA KAIBIGAN, pahalagahan mo sila. Yun na lang yung magsilbi mong reward sa mga ginawa at isinakripisyo nila sayo. At tsaka magpakatotoo ka din muna sa sarili mo bago mo hanapin kung sinosino yung totoo sayo. At pag nagawa mo na yun, nakabawas ka na ng plastic sa mundo, namotivate mo pa yung iba na magpakatotoo sa sarili nila.

Bago ka maghanap ng TOTOONG KAIBIGAN, magpakatotoo ka muna sa sarili mo.

minsan kailangang mo munang pakawalan ang bagay na nagpapasaya sayo at nakasanayan mo na, hindi para sayangin ang pagkakataon na na sayo sila kundi para mapatunayan kung hanggang sa malungkot at mahirap na sitwasyon eh nandiyan pa din sila para sayo.

DUE TO BOREDOM, NAALALA KO ANG SARILI KO :D

Dahil nga bakasyon at nagkaron ako ng insomnia, mas dumami yung pimples ko at mas naging oily yung feslah ko. Bilang babaeng walang pakielam sa sarili (hahaha) soap and water. Yun lang ang ginagawa ko sa mukha ko. Dahil sa kaboringan at nakisama pa ang pagkasira ng charger ng laptop ko(na nag cause ng di pag iinternet for how many weeks) ayun mas napagtuunan ko ng pansin yung sarili ko. Since may P500 ako. At minsan lang ako bumili para sa sarili ko. Bumili ako ng mga beauty(kalandian for me) products hahaha :D as in inubos ko yung pera kong yun para sa mga yun. Which is very rare for a kuripot person like me >:) Nagdadalwang isip talaga ako kung ipopost ko yung mga pics na to kasi pati ako napayuck sa sarili ko ahahaha. pero nung nakita ko naman yung outcome (which is yung nasa top na pic). Imma say IT’S REALLY REALLY WOOOOOOORTTTH ITTTT ! :)

2 days ago on May 31, 2012 at 11:07pm

Back to the tumblr world :) ilang weeks na ding di nakakapagpost dito :)

2 days ago on May 31, 2012 at 10:51pm

(via zxcvbnmlove)

(via zxcvbnmlove)

#pagibig  #typos  #love  #reblog  

(via zxcvbnmlove)

#aboutme  #this!  #reblog